^

Metro

Ginang pinatay sa sakal ng lover

-
Pinatay sa sakal ang isang 30-anyos na ginang ng kanyang live-in partner makaraang magpasya ang una na hiwalayan na ang huli at bumalik sa dati niyang kasintahan, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Nasawi noon din ang biktimang si Teresita Aljas, habang agad namang naaresto ang suspect na si Ruel Collado, tubero at pansamantalang nanunuluyan sa construction site ng Hobbies Asia na matatagpuan sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng umaga nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspect. Dahil sa matinding away, nagbanta ang babae na iiwan na ang suspect at babalik na lamang sa kanyang dating nobyo na malapit nang dumating buhat sa America.

Dahil dito, nagpanting ang tenga ng suspect dahil na rin sa matinding selos kung kaya’t sinunggaban nito ang leeg ni Aljas at saka sinakal hanggang sa mapatay. Matapos ang insidente ay agad namang nadakip ang suspect na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALJAS

AYON

DAHIL

HOBBIES ASIA

LORDETH BONILLA

MACAPAGAL AVENUE

MATAPOS

PASAY CITY

RUEL COLLADO

TERESITA ALJAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with