^

Metro

Ginang timbog sa kidnap

-
Isang 29-anyos na ginang ang dinakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Valenzuela City kaugnay sa kasong kidnapping na isinampa laban sa kanya ng mga kaanak ng kanyang "lover" sa pagdukot sa 3-anyos na pamangkin ng huli noong nakalipas na taon.

Si Josefina Hari, ng 11 Concepcion, Lucban, Quezon Province ay dinakip dakong alas-9 ng umaga sa loob mismo ng Regional Trial Court (RTC) ng Valenzuela City habang ang una ay dadalo sana sa pagdinig sa nasabing korte.

Inaresto ang ginang bunsod ng inilabas na warrant of arrest ni Judge Floro Alejo ng Valenzuela RTC Branch 72 laban sa una sa kasong kidnapping.

Batay sa rekord ng pulisya, ang suspect ay sinasabing responsable sa pangingidnap sa paslit na si Kennedy Nepomuceno ng Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City na iniulat na nawawala pa noong Hunyo 22, 2005.

Nabatid na bagamat natunton na ang sinasabing suspect ay hindi pa rin narerekober ang nabanggit na paslit.

Itinanggi naman ng suspect ang akusasyon sa kanya ng mga kaanak ng kanyang lover na si Romeo Mansanares, 27.

Walang piyansa na inirekomenda sa pansamantalang paglaya ng suspect. (Rose Tamayo Tesoro)

vuukle comment

BAGBAGUIN

BATAY

JUDGE FLORO ALEJO

KENNEDY NEPOMUCENO

QUEZON PROVINCE

REGIONAL TRIAL COURT

ROMEO MANSANARES

ROSE TAMAYO TESORO

SI JOSEFINA HARI

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with