^

Metro

Ret. PAF member utas sa kapitbahay

-
Isang retiradong miyembro ng Philippine Air Force ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng lasing na kapitbahay sa loob ng isang videoke bar kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Leonardo Abelado, 51, ng Rosal Ext. Payatas A, Quezon City matapos na magtamo ng sampung saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantalang isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa tumakas na suspect na si Nunardo Dingle, 48.

Sa report na tinanggap ni Supt. Popoy Lipana, hepe QCPD-CID, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling araw sa loob ng Domeng’s Videoke Bar sa Rosal Ext. Payatas, Quezon City.

Lumilitaw na nag-iinuman ang biktima at apat pang kaibigan nito sa loob ng bar nang biglang dumating ang suspect na lasing na lasing sa alak.

Dala ng matinding kalasingan, kinompronta umano ng suspect ang biktima hinggil sa matagal na nilang alitan.

Nagalit umano ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at humantong sa pananaksak ng suspect sa una. (Doris Franche)

vuukle comment

DALA

DORIS FRANCHE

LEONARDO ABELADO

NUNARDO DINGLE

PAYATAS A

PHILIPPINE AIR FORCE

POPOY LIPANA

QUEZON CITY

ROSAL EXT

VIDEOKE BAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with