^

Metro

‘Aso’t pusang’ mag-lover nakuryente

-
Natigil ang bugbugan ng mag-live-in partner sa labas ng bahay matapos kapwa madikit sa open live wire at makuryente, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kapwa tumalsik ang dalawang nag-aaway na mag-lover sa lakas ng boltahe ng kuryente na kanilang nadikitan.

Gayunman, hindi pa rin nagawang magkasundo ng mag-live-in na sina Monica Daniel, 26, at Martin Bermejo, 27, matapos magpursige sa pagsasampa ng reklamo sa pulisya ang una na dahilan para makulong ang huli.

Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Complaint Desk ng Pasay City police, mahigit isang taon nang nagsasama ang mag-live-in. Nabatid na pumapasok sa isang videoke bar ang babae at wala namang trabaho ang lalaki.

Dahil seloso ang lalaki, sinusundo nito sa pinapasukang bar si Daniel at dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang magtalo ang dalawa sa inuupahang silid sa #2438 Tagumpay St., Decena, Pasay City, kaugnay sa akusasyon ni Bermejo na may sinamahang ibang lalaki si Daniel kaya ito kumita ng salapi na ipinantubos sa nakasanla nitong cellphone.

Humantong sa bugbugan ang sagutan ng dalawa hanggang kaladkarin ng lalaki si Daniel sa labas ng bahay kung saan kapwa sila nadikit sa live wire at naging dahilan para maawat pansamantala. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BERMEJO

COMPLAINT DESK

DAHIL

DECENA

LORDETH BONILLA

MARTIN BERMEJO

MONICA DANIEL

PASAY CITY

TAGUMPAY ST.

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with