^

Metro

Holdaper patay sa pulis

-
Patay ang isang holdaper makaraang mang-agaw ng baril sa loob ng police station kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Bernardo Rivera, 33, ng #174 Sitio Uno, Batasan Hills, Quezon City.

Pinaghahanap naman ang dalawang kasamahan nito na sina Jonathan Deuzo at Ediber Usas, kapwa residente ng #34 Real St., Sitio Kislap, Brgy. Fairview, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling-araw sa loob ng QCPD-Fairview Police Station 5 sa Commonwealth Ave., Quezon City.

Lumilitaw na isang Rosauro Ungan ang nagreklamo na biktima ng panghoholdap ng grupo dakong alas-7 ng gabi. Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kung saan namataan ang suspect na si Rivera.

Tinangka ni Rivera na tumakas subalit nadakip ito ng mga pulis at taumbayan at saka pinagbubugbog hanggang sa dinala sa himpilan ng pulisya. Dito ay positibong itinuro ng biktimang si Ungan si Rivera na isa sa mga suspect.

Dahil sa dami ng pasa at sugat sa katawan, ipinasya ng mga pulis na dalhin si Rivera sa ospital subalit bigla na lamang nitong inagaw ang service firearm ni PO3 Michael Diaz at pinaputukan ang pulis na si PO2 Rommel Merino.

Bunga nito, agad na pinaputukan ni Merino si Rivera sa ulo at katawan na naging dahilan ng kamatayan nito. (Doris Franche)

BATASAN HILLS

BERNARDO RIVERA

COMMONWEALTH AVE

DORIS FRANCHE

EDIBER USAS

FAIRVIEW POLICE STATION

JONATHAN DEUZO

MICHAEL DIAZ

QUEZON CITY

RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with