^

Metro

6 kilo ng ecstacy nasabat ng BoC

-
Umaabot sa 6 na kilo ng ipinagbabawal na ecstacy pill mula sa Bangkok ang nasamsam ng mga kagawad ng Bureau of Customs (BoC) kamakalawa ng gabi, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ulat ni Leticia Yberra, duty collector ng BoC-NAIA arrival area kay BoC-NAIA District Collector Ricardo Belmonte na ang mga ecstacy ay inihalo sa apat na karton ng orchids at ibinalot sa moniegold tamarind candies upang itago sa mga awtoridad.

Ang nasabing iligal na gamot na kasalukuyan pang inaalam kung magkano ang kabuuang halaga ng mga ito ay isinakay sa Kuwait Airways (KU 411) bilang unaccompanied baggage ng isang nagngangalang Dang Trinidad ng # 85 H. Roxas St., Quezon City.

Napag-alaman na isang Joel Maghari, kakilala ni Trinidad na residente rin ng Quezon City ang kumuha ng mga nasabing bagahe kung saan nakapaloob ang mga ecstacy.

Sa salaysay naman nina Melrose Ellego at Samuel Saed, kapwa Customs examiner na nang ilalabas na sana ni Maghari ang mga kargamento ay napansin nila ang huli na parang kinakabahan at kakaiba ang kilos nito.

Bukod pa rito, napansin din nina Ellego at Saed na bagama’t ‘stick-on pass’ ang ginamit ni Maghari para makapasok sa NAIA ay siya ang may dala ng bagahe sa halip na ang pasahero mismo.

Dahil dito, agad na tinanong ng mga nabanggit na examiners si Maghari kung nasaan ang pasahero ng bagahe at nang sabihin sa kanila ni Maghari na ipinadala lamang ang mga bagahe ay agad nilang sinuri ang laman ng mga karton.

Nagulat ang mga examiners nang tumambad sa kanilang paningin ang mga orchids at tamarind candies kung saan ipinalaman ang mga ecstasy pills.

Agad na kinumpiska ang mga bagahe at inaresto si Maghari na kasalukuyan na ngayong nakakulong sa detention cell ng Customs Police habang isinasailalim sa interogasyon. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CUSTOMS POLICE

DANG TRINIDAD

DISTRICT COLLECTOR RICARDO BELMONTE

JOEL MAGHARI

KUWAIT AIRWAYS

MAGHARI

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with