^

Metro

Sunog: Mag-ina tepok, 3 pa sugatan

-
Kapwa nalitson ng buhay ang isang mag-ina, habang tatlo pa katao ang nasugatan sa naganap na sunog kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Bukod dito, tinupok din ng malakas na apoy ang may 12 kabahayan at milyong pisong halaga ng mga ari-arian.

Nakilala ang nasawing mag-ina na sina Rossana Acas, 36 at ang bunsong anak nitong si Grace, 9, ng Block 205, Lot 13, Group 9, Zone 12, Cactus St. Brgy. Pembo, ng nabanggit na lungsod.

Samantalang sugatan naman sina Reynaldo Dacanay, 55, ang asawa nitong si Marina, 45 at anak na si Mary Grace, 10 na pawang ginagamot sa Ospital ng Makati.

Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang sunog dakong alas-3:45 ng madaling-araw sa kuwarto ng dalawang anak na babaeng pamilya Dacanay sa nabanggit na lugar.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang 12 pang kabahayan kabilang ang tinitirhan ng mag-inang Acas na mahimbing na natutulog ng oras na iyon kaya’t hindi nagawang iligtas ang kanilang mga sarili.

Umabot hanggang 3rd alarm ang sunog na naapula dakong alas-5:45 ng umaga. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ACAS

AYON

BUKOD

CACTUS ST. BRGY

DACANAY

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MARY GRACE

REYNALDO DACANAY

ROSSANA ACAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with