^

Metro

Shoe magnate kinatay, misis sugatan

-
Patay ang isang 67-anyos na negosyanteng lalaki na may-ari ng Bandolino Shoes, habang malubha naman ang asawa nito makaraang pagsasaksakin ng isang lalaki na kapatid ng kanilang katulong na nagtangkang magnakaw sa mga ito, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Dead-on-arrival sa St. Vincent Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Jerry Alcantara, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang asawa nitong si Aida, 67, kapwa nakatira sa #103 Ipil sa panulukan ng Champaca Sts., Brgy. Marikina Heights, Marikina City.

Samantala, pinaghahanap ng pulisya ang suspect na si Jhun Diaz, 31, nakatatandang kapatid ng katulong ng mga biktima na si Marissa Diaz, 24, na kasalukuyang pinigil sa pulisya.

Sa imbestigasyon ni PO2 Glen Aculana ng Marikina Police, naganap ang insidente dakong alas-6:10 ng gabi sa unang palapag ng bahay ng mag-asawang Alcantara matapos na magpaalam ang katulong na si Marissa upang magsimba.

Nabatid na ilang minuto ang nakalipas ay bigla na lang lumitaw ang suspect mula sa kung saan at sinaksak sa likod ang babaeng biktima na noon ay kasalukuyang naghuhugas sa may lababo. Bagamat sugatan ay nagawa pa rin nitong makatakbo sa kalapit na maids quarter at doon ay nakapagkulong habang sinisigawan nito ang asawa na huwag lalabas ng kuwarto dahil nandoon na ang armadong suspect.

Subalit nang marinig ng mister ang sigaw ng misis ay agad itong lumabas ng kuwarto para saklolohan ang babae subalit sinalubong ito ng suspect at saka pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang salarin.

Nang maramdaman ni Aida na wala na ang suspect ay lumabas ito ng kuwarto at dinaluhan ang asawa na naliligo na sa dugo.

Sinisiyasat ng pulisya ang katulong na si Marissa kung bakit at paanong nakapasok sa bahay ng kanyang mga amo ang suspect na kapatid nito.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa suspect. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AIDA

BANDOLINO SHOES

CHAMPACA STS

EDWIN BALASA

GLEN ACULANA

JERRY ALCANTARA

JHUN DIAZ

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGHTS

MARIKINA POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with