^

Metro

Madugong inuman: 1 nasawi

-
Nasawi ang isang mister, habang kritikal naman ang pinsan nito matapos na pagtulungang pagsasaksakin ng magkapatid nilang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente si Vicente Roncales, 31, ng Interville Subdivision, Barrio Malicho, Talipapa, ng nabanggit na lungsod.

Samantala, sugatan naman sa East Avenue Medical Center sanhi rin ng tinamong mga saksak sa katawan ang pinsan nitong si Joven Villareal, 31.

Pinaghahanap naman ang magkapatid na suspect na sina Jojo at Jonnie Amigo na mabilis na nagsitakas matapos ang pangyayari.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng mga biktima.

Nabatid na nag-iinuman sa magkahiwalay na grupo ang mga biktima at ang magkapatid hanggang sa magkaroon ng kantiyawan ang dalawang panig.

Dahil dito, sinugod ng magkapatid ang grupo ng magpinsan at saka inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan.

Isang manhunt operation ang inilunsad ng pulisya laban sa mga suspect. (Rose Tamayo)

vuukle comment

BARRIO MALICHO

CALOOCAN CITY

DAHIL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

INTERVILLE SUBDIVISION

ISANG

JONNIE AMIGO

JOVEN VILLAREAL

ROSE TAMAYO

VICENTE RONCALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with