^

Metro

Putul-putol na katawan ikinalat sa QC

-
Isang putul-putol na katawan ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang ikinalat kahapon sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.

Base sa ulat, kinilala ng mga vendor sa Muñoz Market ang biktima na si Michael Mendoza, 19, tambay sa nasabing palengke.

Sa kasalukuyan, dalawang braso na lamang nito ang hindi nakikita para tuluyang mabuo ang katawan ng biktima na hinihinalang holdaper na nag-ooperate sa naturang lugar.

Nabatid na unang natagpuan ang ulo nito dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa may NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Ayon sa isang saksi, nakita niya ang ulo na nakalagay sa isang garbage bag at itinapon sa kalsada ng hindi naplakahang puting owner-type jeep.

Dakong alas-6:30 naman ng umaga nakita ang torso nito ng isang basurero sa may Old Samson Road, Brgy. Apolonio Samson. May tattoo itong "Ruben Birador" at "Nanty Espiritu" sa likod.

Makalipas naman ang isang oras, kanang paa ng biktima ang nakita na nakasilid sa isang kahon ng PLDT telephone line sa Lanotan St., Brgy. Veterans Village at huling natagpuan ang kaliwang hita nito sa may Seminario Road, Brgy. Bahay Toro ng nabanggit na lungsod.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation at ang paghanap sa dalawang braso ng biktima. (Doris Franche)

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

BAHAY TORO

BRGY

DORIS FRANCHE

LANOTAN ST.

MICHAEL MENDOZA

NANTY ESPIRITU

OLD SAMSON ROAD

QUEZON CITY

RUBEN BIRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with