^

Metro

Pulis vs pulis: 1 patay

-
Naging madugo ang reunion ng mga magkukumpareng pulis makaraang magkapikunan ang dalawa sa mga ito at humantong sa pagbabarilan na nagresulta sa pagkamatay ng isa habang sugatan naman ang dalawa pa, kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lungsod.

Namatay noon din bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si SPO2 James Shotwell, 34, ng QCPD-District Anti-Illegal Drugs (DAID) at residente ng Tomas Cruz St., Jordan High Damong Maliit, Novaliches, Quezon City.

Samantala, nilalapatan naman ng lunas sa FEU Hospital ang mga suspect na sina PO2 Victor Aquino, 31, nakadestino sa DILG at ang sibilyang si Elueterio Loto na parehong nagtamo ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Sa ulat ng puisya, dakong alas-9:15 ng gabi kamakalawa ng maganap ang insidente sa bahay ni JO1 Jaymiong Abigao na nakatalaga sa Manila City Jail at naninirahan sa may 16 Ilang-ilang St., Ramirez Subdivision, Brgy. Damong Maliit, Novaliches.

Nagtungo ang biktima at ang dalawang suspect sa bahay ng kanilang kumpareng si Abigao upang dalawin ang kanilang inaanak. Nagkaroon ng kaunting salu-salo at inuman hanggang sa malasing ang mga bisita.

Sa hindi pa malamang dahilan ay nagkapikunan ang mga ito hanggang sa pare-parehong nagbunot ng baril at nagbarilan. Maging ang sibilyang si Loto ay nakabaril at nakita ring pinaputukan ang biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad habang inihahanda na ang kaso laban kina PO2 Aquino at ang sibilyang si Loto. (Doris Franche)

vuukle comment

DAMONG MALIIT

DORIS FRANCHE

ELUETERIO LOTO

JAMES SHOTWELL

JAYMIONG ABIGAO

JORDAN HIGH DAMONG MALIIT

MANILA CITY JAIL

NOVALICHES

QUEZON CITY

RAMIREZ SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with