^

Metro

Selosong mister, utas sa taumbayan

- Angie dela Cruz, -
Dala ng matinding selos, isang ginang ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang mister na inutas din ng taumbayan kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Lornita Dangoy-Paler ng No. 361 Mulawin St. Maricaban, Pasay City sanhi ng mga saksak sa katawan at mister nito na si Rudy, 34 na kinuyog at pinagtulungang bugbugin ng mga residente.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-asawang Paler.

Nagtalo umano ang mga ito hinggil sa pagseselos ni Rudy kay Lornita hanggang sa mauwi sa saksakan. Narinig naman ito ng mga kapitbahay ni Lornita hanggang sa makita nila itong naliligo sa sariling dugo.

Tinangka naman ni Rudy na tumakas subalit agad din itong nasakote ng mga residente na pinagtulungang bugbugin hanggang sa mamatay.

vuukle comment

DALA

LORNITA

LORNITA DANGOY-PALER

MULAWIN ST. MARICABAN

NAGTALO

NARINIG

PASAY CITY

RUDY

TINANGKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with