^

Metro

Color coding sa Pasig sinuspinde

-
Sinuspinde ni Pasig City Mayor Vicente Eusebio ang color coding sa lungsod simula ngayong araw na ito matapos na lumabas sa kanilang pag-aaral na hindi umano ito nakakatulong sa pagluluwag ng daloy ng trapiko bagkus nakakaapekto pa sa pag-unlad ng mga negosyo sa lungsod.

Sa memorandum na ipinalabas kahapon ni Eusebio na ipinamahagi sa hepe ng traffic at mga barangay officials nakasaad dito ang ‘indefinite suspension’ ng color coding sa Pasig City .

Napag-alaman pa sa mayor na sa simula pa lang ay ayaw na niya sa color coding scheme subalit binigyan niya ito ng pagkakataong maipatupad gayunman hindi umano ito nakaginhawa sa trapiko sa lungsod kundi naging sagabal pa sa pag-unlad dito.

Ang pagsuspinde sa naturang traffic scheme ay ipinagbigay alam na rin ni Eusebio sa mga traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaya hindi na rin sila puwedeng manghuli ng nasabing violation sa bisinidad ng Pasig.

Bukod sa MMDA, traffic enforcers, hindi na rin puwedeng manghuli ang may 300 traffic enforcers ng nasabing lungsod sa nabanggit na traffic scheme. (Ulat ni Edwin Balasa)

BUKOD

EDWIN BALASA

EUSEBIO

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAPAG

PASIG

PASIG CITY

PASIG CITY MAYOR VICENTE EUSEBIO

SINUSPINDE

TRAFFIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with