Batang Tsinoy dinukot
August 11, 2005 | 12:00am
Matagumpay na natangay ng anim na armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng isang kidnap-for ransom group ang isang 11-anyos na totoy na anak ng isang mayamang Tsinoy sa tapat ng tinitirhan nitong condominium sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Ryan Yu, ng Richtown Tower sa Mayhalique St., Sta. Cruz at estudyante ng St. Stephen High School.
Sugatan naman ang mga guwardiya sa condominium na sina Ruel Guevarra at Joel Bonneo matapos na matamaan ng bala sa likod at binti nang ratratin ng mga suspect habang papatakas ang mga ito.
Tinamaan din ng ligaw na bala ang yaya ng biktima na si Jenivi Magbanua, 20; Mario Michael Uy, 37, salesman at isa pang batang si Cesar Chen, 11.
Batay sa ulat ng MPD-Criminal Investigation and Detection Unit, dakong alas-6:45 ng umaga ng dukutin ang biktima ng mga suspect na armado ng M-16 rifle at baby armalite sa gate ng naturang condo.
Nabatid na ihahatid na sana ng yaya nito ang biktima upang pumasok sa eskuwelahan nang puwersahang hablutin ng mga suspect na sakay sa kulay gray na Toyota Lite Ace na may plakang TAH-958.
Isa sa mga sugatang sekyu ang nakipagsuntukan pa umano sa isa sa mga kidnaper ngunit binaril ito ng mga kasamahan ng suspect. Patuloy na nagpaulan ng bala ang mga suspect habang papatakas kung saan marami pa ang tinamaan ng ligaw na bala.
Inilarawan naman ng isang saksi ang mga suspect na nasa pagitan ng 30-35 anyos, isa ay naka-disenteng kasuotan, habang ang isa ay naka-sumbrero.
Nabatid pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang mga magulang umano ng biktima ang may-ari ng Papa Pawnshop.
Hirap naman ngayon ang pulisya dahil sa ayaw nang magsalita pa ng mga magulang ng bata para na rin sa kaligtasan ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended