^

Metro

Aktor na si Paolo Contis sugatan sa aksidente

-
Sugatan ang aktor na si Paolo Contis makaraang suyurin ng minamaneho niyang Ford Expedition ang dalawang sasakyan sa kahabaan ng Elliptical Circle, Quezon City kahapon ng umaga.

Kasalukuyang ginagamot sa East Avenue Medical Center ang aktor matapos na magtamo ng mga galos at pasa sa katawan nang maaksidente dakong alas-6 ng umaga sa naturang lugar.

Ayon sa pulisya, lulan si Contis ng kanyang Ford Expedition na may plakang XEV-224 kasama ang kanyang direktor na si Allan Chantiongco patungo sa North Avenue.

Binabagtas ng aktor ang nasabing lugar nang bigla nitong mabangga ang isang pampasaherong jeep na may rutang Roxas at Cubao na minamaneho ni Ronnie Mongo, 36, ng Quezon City,

Kasunod nito bumangga rin ang kotse ng aktor sa Nissan Altima na may plakang UHB-981 na minamaneho naman ng isang Ronnie Banotes, 27, ng Novaliches.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang aktor ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan, subalit mariin naman itong itinanggi ng una kung kaya’t ito rin ang iginigiit ni Mongo na bumangga sa kanya makaraang makita niya itong lumabas mula sa driver’s seat ng sasakyan.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa kung sino ang dapat na managot sa nasabing insidente. (Doris Franche)

vuukle comment

ALLAN CHANTIONGCO

DORIS FRANCHE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ELLIPTICAL CIRCLE

FORD EXPEDITION

NISSAN ALTIMA

NORTH AVENUE

PAOLO CONTIS

QUEZON CITY

RONNIE BANOTES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with