^

Metro

Binata tinarakan ng karibal

-
Muli na namang napatunayan ang kasabihang "Pag-ibig, masdan ang ginawa mo", matapos na isang binata ang saksakin ng kanyang karibal sa babaing minamahal, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan si Ruel Suarez, 18, ng Block 11, Lot 42, Phase 2 A-3, Hiwas St., Barangay Longos, ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya si Radgie Quinto, ng Block 12, Lot 7, Phase 2 A-3, Barangay Longos.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 George Gubatan, may hawak ng kaso, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima.

Kasalukuyang nakatayo ang biktima sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lamang lumitaw ang suspect na armado ng patalim at agad na inundayan ng saksak ang una.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspect habang mabilis namang dinala sa nasabing pagamutan ang biktima.

Nabatid pa sa mga awtoridad na nagkaroon ng samaan ng loob ang dalawa matapos na sagutin ang biktima ng babaeng kapwa nila nililigawan na labis namang dinamdam ng suspect hanggang sa maisipan nitong gantihan si Suarez. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BARANGAY LONGOS

GEORGE GUBATAN

HIWAS ST.

INOOBSERBAHAN

KASALUKUYANG

MALABON CITY

PAGAMUTANG BAYAN

RADGIE QUINTO

ROSE TAMAYO

RUEL SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with