^

Metro

Dalaga pinatay dahil sa pulutan

-
Isang 17-anyos na dalaga ang pinatay sa saksak ng kainuman nito na isa ring dalaga matapos magtalo sa pulutan, kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Sa report ng pulisya, patay na nang idating sa Las Piñas City Doctors Hospital ang biktimang si Leona Boysillo, ng #1222 Balikatan St., Brgy. CAA Compound ng lungsod na ito nang magtamo ito ng saksak sa dibdib habang arestado naman ang suspect na si Lenny Guaves, 32, ng Malakas St., ng nabanggit na barangay.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Eduardo Lagata ng Criminal Investigation Division, Las Piñas City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa tinitirahan ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima at suspect kasama ang ilang kaibigan nito nang magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa pagiging matakaw ng una sa pulutan.

Dahil dito, nairita ang suspect at nang makahagilap ito ng patalim, inundayan niya ng saksak ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BALIKATAN ST.

CITY DOCTORS HOSPITAL

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

EDUARDO LAGATA

LAS PI

LENNY GUAVES

LEONA BOYSILLO

LORDETH BONILLA

MALAKAS ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with