^

Metro

2 estudyante binaril ng sekyu, patay

-
Nasawi ang dalawang estudyante makaraang pagbabarilin ito ng isang security guard nang mapagkamalan ng huli ang mga biktima na mga magnanakaw, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Kapwa patay na nang idating sa Sabili Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng shotgun sa katawan ang mga biktima na sina Jaypee Mahilu at Allan Vanez, parehong edad 17-anyos at kapwa residente ng 18 Paraiso St., Brgy. Lower Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspect na si Armando Guinarao, guwardiya sa isang sangay ng Department of Public Works and Highways sa 23 Paraiso St., Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 nang maganap ang insidente sa labas ng gate ng nasabing tanggapan kung saan napagkamalan ng suspect na mga magnanakaw ang mga biktima na noon ay nagkukuwentuhan lamang.

Nang makita ng suspect ang mga biktima ay agad na pinaputukan ang mga ito at dala ng matinding takot ay nagsitakbo ang mga biktima.

Nang hindi umano maabutan ay kapwa niya pinagbabaril ang mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLAN VANEZ

ARMANDO GUINARAO

BRGY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JAYPEE MAHILU

LORDETH BONILLA

LOWER BICUTAN

PARAISO ST.

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with