^

Metro

'Resto Gang' sumalakay: 12 anyos kritikal

-
Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang isang 12-anyos na nene makaraang mabaril ito ng isa sa dalawang holdaper na pinaniniwalaang miyembro ng ‘Resto Gang" na nanloob sa kinakainan nilang restaurant, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Ang biktima na ginagamot ngayon sa St. Lukes Medical Center sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng baril sa tiyan na tumagos sa kanyang pige ay nakilalang si Marquax Dian Perez, ng West Point St., Cubao, Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong alas-7 ng gabi ng maganap ang insidente habang kumakain ang pamilya ng biktima sa St. Nicholas Catering and Cafe na nasa kahabaan ng Boni Avenue, Mandaluyong City.

Bigla na lamang naglabas ng mga baril ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect na nagpanggap na mga kostumer at nagpahayag ng holdap. Nilimas ng mga ito ang mahahalagang gamit ng mga kostumer.

Bago tumakas ay nagpaputok ng baril ang isa sa mga ito at aksidenteng tinamaan ang biktima.

Isang manhunt operation ang isinasagawa ng pulisya para sa agarang ikaaaresto ng mga suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BONI AVENUE

EDWIN BALASA

MANDALUYONG CITY

MARQUAX DIAN PEREZ

QUEZON CITY

RESTO GANG

ST. LUKES MEDICAL CENTER

ST. NICHOLAS CATERING AND CAFE

WEST POINT ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with