^

Metro

Buntis binoga ni mister

-
Isang pitong buwang buntis ang binaril ng kanyang mister matapos na mairita ang huli sa pagiging selosa at bungangera ng una na naganap mismo sa loob ng compound ng Southern Police District Office (SPDO) sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Rizal Medical Center ang biktima na nakilalang si Yolly Mirador.

Samantala, nadakip naman ng pulisya ang suspect na si Eduardo Mirador, alyas Balong, sinasabing striker ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi sa likod ng gusali ng tanggapan ng CIDG-SPDO sa Taguig.

Napag-alaman na nakikipag-inuman umano ang suspect sa ilang kaibigan nito sa nabanggit na lugar kung saan dumating ang biktima at binungangaan ang asawa.

Dahil sa matinding kahihiyan ay kinompronta ng suspect ang misis na nauwi sa mainitang pagtatalo. Bigla umanong nagbunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang misis.

Duguang bumagsak ang biktima na mabilis na isinugod sa pagamutan, habang agad ding nadakip ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BALONG

BIGLA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

EDUARDO MIRADOR

LORDETH BONILLA

RIZAL MEDICAL CENTER

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

TAGUIG CITY

YOLLY MIRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with