^

Metro

Dennis Roldan na-reconfirmed sa droga

-
Sa ikalawang pagkakataon ay na-reconfirmed na positibo sa droga ang kontrobersiyal na aktor at dating Congressman Dennis Roldan.

Ang resulta ng confirmatory drug test, ay inilabas ng crime laboratory sa Camp Crame sa pangunguna ni General Elias Belen.

Si Roldan, Mitchell Yap Gumabao sa tunay na buhay at ang kanyang umano’y kasintahan na si Suzette Wang ay sinasabing utak sa pagkidnap sa 3-anyos na paslit na si Kenshi Yu noong nakalipas na Pebrero 9, ng taong kasalukuyan sa Pasig City.

Dahil dito, inihayag ng mga awtoridad na lalong tumibay ang ebidensiya laban sa dating kongresista dahil na rin sa pagtatapat ng dalawa pa nitong nadakip na kasamahan na sina Albert Pagdangan at Brgy. Captain Garces na gumagamit ng droga ang aktor.

Binanggit din ng dalawa na si Roldan at Wang ang siyang utak sa pagkidnap sa batang si Yu. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALBERT PAGDANGAN

CAMP CRAME

CAPTAIN GARCES

CONGRESSMAN DENNIS ROLDAN

GENERAL ELIAS BELEN

JOY CANTOS

KENSHI YU

MITCHELL YAP GUMABAO

PASIG CITY

SI ROLDAN

SUZETTE WANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with