^

Metro

Kolumnista inatado

-
Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang tabloid hard hitting columnist nang saksakin ng isang hindi nakikilalang lalaki sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktima na si Pablo Hernandez, 41, kolumnista ng pahayagang Bulgar at residente ng Valenzuela City. Nagtamo ito ng dalawang saksak ng balisong sa kanyang likuran.

Agad namang naaresto ng pulisya ang suspect na si Joel Redoca, 34, ng Brgy. Pinagtipunan Gen. Trias, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pananaksak ng suspect sa biktima kahapon dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng Pocket Billiard sa Quezon Avenue.

Kasalukuyan umanong nagbibilyar si Hernandez sa naturang establisimento nang mag-ring ang cellphone nito.

Agad na sinagot ng biktima ang tawag pero hindi niya akalain na kasabay nito ang mabilis na paglapit ng suspect at agad siyang inundayan ng dalawang saksak sa likuran.

Sa interogasyon ng pulisya, inamin ng suspect na siya ay binayaran umano ng halagang P20,000 para patayin ang kolumnista. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BRGY

CAVITE

JOEL REDOCA

PABLO HERNANDEZ

PINAGTIPUNAN GEN

POCKET BILLIARD

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with