^

Metro

Supervisor, 1 pa utas sa ambush

-
Nasawi ang isang supervisor at isang factory worker matapos na tambangan ng apat na hindi pa nakikilalang lalaki kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Agad na namatay sa pinangyarihan ng krimen sina Reynaldo Jurilla, 37, supervisor ng Mitsuboshi Rubber Master at Tomas Balgoma, 32, factory worker ng nasabing kompanya.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 8:05 ng umaga sa panulukan ng Rubber Master Road at T. Santiago St. Brgy. Lingunan, Valenzuela City.

Nabatid na minamaneho ni Jurilla ang kanyang sasakyan kasama si Balgoma nang bigla na lamang parahin ng apat na lalaki na dalawa dito ay armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Pagkatapos nito ay bigla na lamang pinaputukan ng mga suspect ang mga biktima sa ulo at katawan at mabilis na pumara ng tricycle at tumakas.

Walang kinuhang gamit ng mga biktima kung kaya’t paghihiganti ang nakikitang motibo ng pulisya sa naganap na pamamaslang.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BALGOMA

JURILLA

LINGUNAN

MITSUBOSHI RUBBER MASTER

REYNALDO JURILLA

ROSE TAMAYO

RUBBER MASTER ROAD

SANTIAGO ST. BRGY

TOMAS BALGOMA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with