Bentot Jr. huling nagsa-shoplift
() - September 26, 2004 - 12:00am
Kinasuhan ng Central Police District-Baler Police Station sa Quezon City Prosecutor’s Office ang komedyanteng si Bentot Jr. matapos na mahuli sa aktong nang-uumit ng ilang grocery item sa loob ng isang supermarket, kamakalawa sa nabanggit na lungsod.

Kasong theft ang isinampa ng SM Supermarket laban kay Bentot Jr., 34, Luisito Medina sa tunay na buhay at naninirahan sa Emerald St. Greenheights, Brgy. Bartolome ng nabanggit na lungsod.

Batay sa rekord, nahuli ni Comelia Rollo ng SM Supermarket sa North EDSA si Bentot na nagsisilid sa kanyang bag ng mga grocery item dakong alas-2:30 ng hapon sa loob mismo ng nasabing establisimento.

Ilan sa mga inumit nito ay isang Maxwell coffee na nagkakahalaga ng P473.75; isang Lander lotion, P87.75; isang Johnson Baby wash na nagkakahalaga ng P141.50.

Inirekomenda naman ng piskalya ang piyansang P10,000 para sa pansamantalang kalayaan nito. (Ulat ni Doris Franche)

BARTOLOME BATAY BENTOT BENTOT JR. CENTRAL POLICE DISTRICT-BALER POLICE STATION COMELIA ROLLO DORIS FRANCHE EMERALD ST. GREENHEIGHTS JOHNSON BABY LUISITO MEDINA QUEZON CITY PROSECUTOR
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with