May ahas sa kongreso
September 17, 2004 | 12:00am
Sa gitna nang balitang balak patalsikin ng mga mambabatas sa kanyang puwesto si House Speaker Jose de Venecia, isang malaking ahas ang natagpuan kahapon ng madaling araw sa bakod ng Batasan Complex.
Nahuli ng mga residente ng Batasan ang malaking ahas na may habang 10 talampakan at tinatayang may bigat na anim na kilo habang nakabitin sa bakod malapit sa fire station ng Kamara.
Dakong alas-3 ng madaling araw nang makita ang naturang sawa matapos ang lindol na may lakas na intensity 4 at 3 na yumanig sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Dinala ang malaking sawa sa Philippine Wildlife Institute.
Ayon kay SPO4 Benjamin Marbil, desk officer ng CPD Station 6, posibleng nabulabog ang sawa sa kanyang pinagtataguan dahil sa lindol.
Bagaman at wala namang totoong buwaya o ahas na inaalagaan sa House of Representatives, "house reptiles" o pugad ng mga buwaya ang tawag ng ilang mamamayan sa Kongreso. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest