Lider ng fraternity todas sa kalabang grupo
() - September 9, 2004 - 12:00am
Isang lalaki na sinasabing lider ng fraternity ang namatay matapos na barilin ng lider ng kanyang kalabang grupo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong tama ng .38 kalibre ng baril ang biktima na si Romer Gatdula, alyas Pokpok, 18, out-of-school youth at nakatira sa #1038 Area 23-A, A. Mabini St. ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspect na si Alvin Garay, alyas Bentot, 17, na agad na tumakas matapos ang insidente. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa harap ng barangay hall.

Nakasalubong ng biktima ang suspect na pinaniniwalaang sabog sa ipinagbabawal na gamot hanggang sa komprontahin ng huli ang una tungkol sa isang babae.

Binalewala ng biktima ang paninita ng suspect kung kaya’t minabuti na lamang nitong takbuhan ang huli. Subalit hinabol ng suspect ang biktima hanggang sa maabutan at agad na binaril at mangisay.

Nabatid na nagkaroon ng alitan ang biktima at suspect dahil sa babae na kapwa nila nililigawan. (Ulat ni Doris M. Franche)

ALVIN GARAY BENTOT BINALEWALA CALOOCAN CITY DORIS M FRANCHE ISANG JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER MABINI ST. ROMER GATDULA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with