^

Metro

Bangko sa Divisoria nagsara

-
Tinatayang dalawang libong depositors ng isang bangko sa Divisoria ang nagreklamo dahil sa umano’y hindi pagbibigay sa kanila ng kanilang pera bago tuluyang nagsara nang walang dahilan.

Ayon sa mga depositors ng First Savings Bank na matatagpuan sa CM Recto cor. Sto. Cristo Sts., Divisoria, Manila na karamihan ay mga vendors, na hindi umano sila inabisuhan ng management ng naturang bangko na magsasara na ito.

Habang isinusulat ang balitang ito, nakaantabay pa rin ang mga vendors sa pag-asang magbubukas ang bangko na pinagkatiwalaan nila ng kanilang pera at upang mabatid kung patuloy pa ang operasyon nito o hindi na.

Ayon sa mga vendors, nahikayat silang magdeposito sa nasabing bangko upang makaipon sa kinikita nila at mayroong umiikot na kolektor sa kanila na nangungolekta para ideposito sa naturang bangko.

Subalit laking gulat nila kahapon nang madiskubre ang pagsasara dakong alas-9 ng umaga nang magtungo sila rito upang mag-withdraw at natakot din ang mga depositors na baka hindi na nila makuha ang pera.

Bunsod nito kaya’t kahit naka-padlock na ang banko ay sumugod pa rin ang mga operatiba ng WPD upang mabantayan ang bangko sakaling pasukin ito ng mga depositors na galit na galit sa pamunuan ng bangko. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AYON

BANGKO

BUNSOD

CRISTO STS

DIVISORIA

FIRST SAVINGS BANK

GEMMA AMARGO

HABANG

STO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with