^

Metro

Lolo kinatay saka itinago sa aparador

-
Karumal-dumal ang ginawang pagpatay sa isang 60-anyos na lolo matapos na tadtarin muna ng saksak bago isinako ng di-kilalang salarin at itinago ang bangkay nito sa loob ng isang aparador sa kanyang tirahan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Diosdado Mateo, may-asawa at nakatira sa Samar St., Sampaloc.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Det. Edison Bertuldo ng Western Police District-Homicide Division, bandang alas-11:55 ng gabi nang madiskubre ng mga kapitbahay ang bangkay ng biktima.

Ayon sa mga saksi, nakaamoy sila ng masangsang na nagmumula sa loob ng bahay ng biktima.

Dahil dito, napilitang pasukin ng mga ito ang tirahan ng biktima at dito nakita ang malapit nang maagnas na katawan nito.

Nabatid na dalawang babae ang huling nakitang kasama ng lolo sa loob ng bahay nito noong Martes at mula noon ay hindi na ito lumabas pa sa kanyang bahay.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung may kinalaman ang dalawang babaeng namataan na huling kausap ng biktima hinggil sa miteryosong pagkasawi nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DIOSDADO MATEO

EDISON BERTULDO

ELLEN FERNANDO

KARUMAL

KASALUKUYAN

KINILALA

SAMAR ST.

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with