^

Metro

Ama hindi nagpahiram ng cellphone,patay sa anak

-
Dahil lamang sa hindi pinahiram ng cellphone nagawang patayin sa saksak ng isang 28-anyos na taxi driver ang kanyang sariling ama, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Kaagad na tumakas ang suspect na nakilalang si Dennis Gonzaga, ng Fortunata Village, Bukid Site, Phase 2, Brgy. San Isidro ng lungsod na ito matapos ang isinagawang pananaksak.

Samantala, nasawi noon din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang ama nitong si Domingo Gonzaga, 58, isang ding taxi driver, sanhi ng tinamong mga saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Supt. Ronald Estilles, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-9 sa harapan ng bahay ng pamilya Gonzaga sa Fortunata Village, Bukid Site, Phase 2, Brgy. San Isidro ng lungsod na ito.

Nauna rito, pinuntahan ng suspect ang kanyang ina upang manghiram ng cellphone dahil ite-text umano nito ang misis na nasa probinsiya.

Dahil dito, ginising ng ginang ang natutulog na mister upang hiramin ang cellphone.

Naistorbo ang biktima hanggang sa pinagsabihan nito ang anak na huwag ng i-text ang kanyang misis at hindi ipinahiram ang cellphone. Nagalit pa ang matandang Gonzaga sa ginawang pang-iistorbo ng anak sa kanyang pagtulog.

Humantong ito sa mainitang pagtatalo kung saan sinuntok ng nasawi ang anak na nang gumanti ay kumuha ng isang kutsilyo sa kusina at walang sabi-sabing pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang sariling ama bago mabilis na tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

BUKID SITE

CITY POLICE

DAHIL

DENNIS GONZAGA

DOMINGO GONZAGA

FORTUNATA VILLAGE

GONZAGA

LORDETH BONILLA

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with