^

Metro

Pampasabog natagpuan

-
Maagap na nadiskubre ng mga awtoridad ang pakete ng pampasabog matapos na itapon sa harapan ng tanggapan ng WG and A, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ayon sa mga opisyales ng Brgy. 107, Zone 9 sa Tondo, Maynila, nagsasagawa sila ng pagpapatrulya sa kahabaan ng Road 10 dakong alas-4 ng madaling araw nang mapansin ang tatlong lalaki na may kahina-hinalang kilos sa tapat ng opisina ng WG and A.

Nang kanilang puntahan, mabilis na nagsitakas ang tatlo at nang inspeksiyunin nila ang lugar, nakita ang tatlong kahina-hinalang bagay na nakabalot sa asul na plastic bag.

Agad nila itong iniulat sa WPD-Station 1 na humingi naman ng responde sa Explosive and Ordnance Unit.

Agad naman itong idinifuse ng mga awtoridad sa pamamagitan ng water cannon. Dito nabatid na naglalaman ng pulbura at mga bolitas ang naturang mga pakete.

Ayon naman sa pulisya, hindi maikukunsidera na isang improvised bomb ang laman ng pakete. Naglalaman umano ito ng mga pyrotechnic material na ginagamit sa paggawa ng molotov bomb.

Sa teorya ng pulisya, maaaring nais lamang maghasik ng pananakot ng mga suspect na nagtanim nito sa tanggapan ng WG and A o maaring may malaking galit sa kompanya. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

BRGY

DANILO GARCIA

DITO

EXPLOSIVE AND ORDNANCE UNIT

MAAGAP

MAYNILA

NAGLALAMAN

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with