^

Metro

13-anyos hinawaan ng 'tulo' ng bading

-
Isang bading ang nahaharap sa kasong sexual at child abuse matapos nitong abusuhin at mahawahan ng sakit na ‘tulo’ ang isang 13-anyos na estudyante sa Makati City.

Nakilala lamang ang suspect sa kanyang alyas na Noli, 21, ng Zapote St., Brgy. Olympia ng nabanggit na lungsod at hanggang sa ngayon ay nakakalaya pa.

Itinago naman ang naging biktima sa pangalang Meynard, 2nd year high school student sa Makati High School.

Sa reklamo ng biktima sa Women’s and Children Protection Desk sa Makati City Police, naganap ang insidente sa bahay ng suspect sa Zapote St. sa nabanggit na lungsod noong Hunyo 10, 2004 at ito ay naulit pa ng ilang beses.

Madalas umanong pinapupunta ng suspect ang biktima sa kanyang bahay at dito isinasagawa ang pang-aabuso sa binatilyo.

Nadiskubre lang ang pang-aabuso ng suspect nang mapansin ng mga kamag-anak ng biktima na ilang araw na itong namimilipit sa sakit sa tiyan kada papasok sa comfort room ng kanilang bahay. Nang patingnan ay nadiskubre na nagtataglay ito ng ‘tulo’ kung kaya napilitan siyang ipagtapat sa mga kaanak ang tungkol sa pinaggagawa sa kanya ng suspect.

Dahil dito, nagharap ng reklamo sa pulisya ang biktima kasama ang kanyang mga kaanak. (Ulat ni Lordeth Bonilla)
vuukle comment

BRGY

CHILDREN PROTECTION DESK

DAHIL

HUNYO

ISANG

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI HIGH SCHOOL

ZAPOTE ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with