^

Metro

Mandatory drug testing sa nanalong kandidato

-
Nagbabala kahapon ang Dangerous Drug Board na kanilang itutuloy ang mandatory drug testing sa mga nanalong kandidato alinsunod na rin sa ipinaiiral ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa ginawang pagpupulong, sinabi ni Under Secretary Jose Calida, Executive Director ng DDB, kailangan na sumailalim sa drug testing ang mga nanalong kandidato upang malaman kung ang mga ito ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o hindi.

Sinabi ni Calida na ang drug testing ay isang indikasyon kung ang nanalong kandidato ay karapat-dapat na humawak ng posisyon sa pamahalaan.

Aniya, kailangan na simulan ng mga kandidato ang pagpapasailalim sa drug testing sa lalong madaling panahon upang ipakita sa kanilang nasasakupan ang kanilang dedikasyon sa paghawak ng national o local position.

Hindi rin umano pauupuin ng COMELEC ang sinumang nanalong kandidato na tatanggi sa drug testing.

Posible aniyang kasuhan ng paglabag sa Sec. 32 ng RA 9165 at regulasyon ng DDB ang sinumang mapapatunayang positibo sa drug test at pagkakulong ng anim na buwan at multang mula P10,000 hanggang P60,000. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

ANIYA

CALIDA

DORIS M

DRUG

DRUG BOARD

EXECUTIVE DIRECTOR

FRANCHE

NAGBABALA

POSIBLE

UNDER SECRETARY JOSE CALIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with