^

Metro

2 lalaki niratrat sa lamayan,todas

-
Agad na nasawi ang dalawang lalaking nakikipag-lamay sa namayapa nilang kamag-anak matapos na paulanan ng bala ng baril ng tatlong hindi nakikilalang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Leonardo Croniso, 23 at Jaime Elogino, 32, kapwa naninirahan sa Bukid Area, Barrio Sto. Cristo. Tala ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ni PO3 Alex Barroga, may hawak ng kaso, dakong alas-10:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sto. Cristo, Tala.

Nabatid na nakikipaglamay ang dalawang biktima sa pumanaw nilang kamag-anak nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng baril ng mga suspect na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang ginawang pamamaril.

Napag-alaman mula sa ilang ka-lugar ng mga biktima na posibleng paghihiganti ang motibo sa pamamaril dahil sa matagal ng may ka-alitan ang mga ito. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALEX BARROGA

AYON

BARRIO STO

BUKID AREA

CALOOCAN CITY

CRISTO

JAIME ELOGINO

LEONARDO CRONISO

MABILIS

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with