^

Metro

4 kasapi ng 'FX Gang' nasakote

-
Apat na miyembro ng ‘FX Gang’ ang naaresto ng mga tauhan ng Central Police District (CPD) kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang mga inarestong suspect na sina Oliver Ibanez, 25; Melvin Medina, 18; Rey Salasibar, 23 at Joseph Nari, 22, pawang mga naninirahan sa Tramo St., Brgy. Rosario Pasig City.

Kasalukuyang nakakulong sa CPD Anonas police station ang mga suspect habang inihahanda ang kasong robbery/hold-up na isasampa laban sa kanila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:55 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may kahabaan ng Aurora Blvd., Quezon City.

Napag-alaman na matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang nasabing sasakyang FX taxi W6M-489 dahil sa umano’y ginagamit ito ng mga suspek sa panghoholdap ng kanilang mga pinipick-up na pasahero.

Agad namang kinilala ng ilan sa mga nabiktima ang mga suspect na kasalukuyang nakakulong.

Kaugnay nito, nanawagan din ang mga pulis sa iba pang mga nabiktima ng grupo sa nasabing ‘modus opeandi’ na magtungo sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng kaukulang reklamo sa mga suspek. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AURORA BLVD

CENTRAL POLICE DISTRICT

DORIS FRANCHE

JOSEPH NARI

MELVIN MEDINA

OLIVER IBANEZ

QUEZON CITY

REY SALASIBAR

ROSARIO PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with