^

Metro

Computer shop inakyat-bahay

-
Tinatayang aabot sa P300,000 ang halaga ng personal computer ang nakulimbat ng pinaniniwalaang miyembro ng Akyat Bahay Gang matapos na pasukin ang isang computer shop kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang suspect ang Computer Cafe na matatagpuan sa kahabaan ng Regalado Ave. ng nabanggit ding lungsod.

Ayon kay Jerevee Reynoso, may-ari ng computer shop sinamantala ng mga suspect ang kawalan ng tao sa establisyimento kung kaya’t malayang nakuha ng mga ito ang lahat ng mga mapapakinabangan.

Nabatid na pinutol ng mga suspect ang kandado ng computer shop gamit ang isang bolt cutter.

Kabilang sa mga nawawala ang computer accesories at web cam na ginagamit sa pagkikipag-chat sa internet ng mga customers. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AKYAT BAHAY GANG

AYON

BATAY

CALOOCAN CITY

COMPUTER

COMPUTER CAFE

JEREVEE REYNOSO

REGALADO AVE

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with