^

Metro

Binata na magaling magsayaw,pinatay

-
Naging malagim ang pagwawakas ng isang Halloween party makaraang pagtulungan bugbugin at saksakin ang isang 18-anyos na lalaki na magaling sa pagsasayaw ng otso-otso kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang biktima na nakilalang si Ronnel Mendoza, estudyante at residente ng 115 JP Bautista St. 10th Avenue C.C. ay namatay habang isinusugod sa Manila Central University (MCU).

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspect na nakilala lamang sa mga alyas na Banong, Kiko, Geneses at Intsik na pawang mga residente ng Hizon St. 9th Ave. ng nabanggit ding lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa barangay hall ng Brgy. 60 sa kahabaan ng Nadurata St. sa 10th Ave.

Kasalukuyang nagsasayaw ng sikat na otso-otso dance ang biktima nang bigla na lamang itong bugbugin ng mga suspect.

Hindi pa nasiyahan ang mga suspect at binunot pa ng mga ito ang kanilang dalang patalim at pinagsasaksak ang biktima. (Ulat ni Jo Cagande)

vuukle comment

AVENUE C

BANONG

BAUTISTA ST.

CALOOCAN CITY

HIZON ST.

JO CAGANDE

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

NADURATA ST.

RONNEL MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with