^

Metro

10,000 pulis ikakalat sa MM

-
Mahigit sa 10,000 pulis ang ikakalat ng pamunuan ng National Capital Regional Command kaugnay sa nalalapit na pagdating sa bansa ni U.S. President George W. Bush.

Ayon kay NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco na tinagubilinan na rin nila ang mga security agency sa Kalakhang Maynila upang matamang bantayan ang mga matataong lugar lalu na ang mga shopping malls, hotels at mga sinehan sa panahong ito.

Binigyang diin nito na may inihanda pa rin silang iba pang contingency measures upang mapangalagaan ang taumbayan mula sa ibat-ibang criminal elements tulad ng terorismo.

Samantala, nakahanda na rin ang pamunuan ng MMDA para magsaayos sa daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.

Bukod dito, naglaan ang naturang ahensiya ng 10 milyong piso para sa landscapping projects at mga gutter repairs sa mga lugar na dadaanan ni Bush.

Nilinaw ni MMDA Chairman Bayani Fernando na bagamat walang isasarang mga pangunahing lansangan sa darating na Sabado, magkakaroon lamang ng ilang re-routing para na rin sa seguridad ng bisita. (Ulat nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

JOY CANTOS

KALAKHANG MAYNILA

LORDETH BONILLA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL COMMAND

PRESIDENT GEORGE W

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with