^

Metro

Advance party ni Bush dumating na

-
Nasa Pilipinas na ang 36-man team ng Estados Unidos bilang advance party na magsasagawa ng security measures sa pagdalaw ni US President George W. Bush sa Pilipinas sa Oct. 18 matapos itong dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng hapon.

Ang grupo na karamihan ay pawang mga opisyal ng Washington ay lumapag sa AGES hangar ng NAIA lulan ng DC-10 military aircraft. Sinalubong sila ng mga kinatawan ng US Embassy.

Magsasagawa ang grupo ng isang araw na security familiarization tour sa iba’t ibang bahagi ng airport para sa security arrangement na gagamitin sa napipintong state visit ni Pres. Bush.

Naunang dumating ang unang batch ng advance party ng Washington noong Miyerkules para sa elaborate security measures.

Si Pres. Bush ay nakatakdang dumating sa Manila para sa 8-oras na state visit patungong Thailand kung saan dadalo siya sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Ito ang unang pagbisita ni Bush sa Pilipinas matapos niyang ideklara noong Mayo na ang Pilipinas ay isang kaalyado ng North Atlantic Treaty Organization (NATO). (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BUTCH QUEJADA

ESTADOS UNIDOS

NASA PILIPINAS

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

NORTH ATLANTIC TREATY ORGANIZATION

PILIPINAS

PRESIDENT GEORGE W

SI PRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with