Pagdinig sa Rizal Day bomber,sinimula na
() - August 21, 2003 - 12:00am
Sinimulan na kahapon ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pre-trial hearing ni Muklis Yunos, isa sa sinasabing sangkot sa naganap na Rizal day bombing para sa mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder matapos itong mag-plead guilty.

Dakong alas-8:30 ng umaga ng dumating si Yunos na mahigpit na binabantayan ng mga miyembro ng PNP-Special Action Force at Phil. Army sa sala ni RTC branch 54 Judge Lucia Purruganan.

Ayon kay Atty. Aime Santos Arago, nagprisinta lamang ng mga ebidensiya ang prosecution at legal counsel ni Yunos na gagamitin din sa susunod na hearing na itinakda sa darating na Oktubre 14.

Magugunita na noong Hulyo 8, ay nag-plead guilty sa isinagawang arraignment si Yunos sa mga kasong kinasasangkutan nito, samantalang kahapon ay hindi naman nagbigay ng komento ang defense tungkol sa pag-amin nito sa nasabing krimen.

Nahaharap din sa nasabing mga kaso si Indonesian terrorist at Jemaah Islamiyah (JI) leader na si Fathur Roman Al Ghozi. (Ulat ni Gemma Amargo)

AIME SANTOS ARAGO AYON DAKONG FATHUR ROMAN AL GHOZI GEMMA AMARGO JEMAAH ISLAMIYAH JUDGE LUCIA PURRUGANAN MANILA REGIONAL TRIAL COURT MUKLIS YUNOS SPECIAL ACTION FORCE YUNOS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with