^

Metro

Taxi driver tinalupan ng mga holdaper

-
Mistulang talop na Adan ang inabot ng isang taxi driver matapos na walang itira sa kanya kahit isang pirasong damit ang limang holdaper na nambiktima sa kanya, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Maynila.

Masuwerteng pinahiram muna ng mga damit ng mga tumulong sa kanya bago nagtungo sa istasyon ng pulisya ang biktimang nakilalang si George Villanueva, 40, ng Villa Real Subdivision, Barangay Talipapa, Quezon City.

Bukod sa kanyang kinita, tangay din ng limang armadong suspect ang dala niyang taxi na Toyota Corolla na may plakang TBB-127.

Sa ulat ng pulisya naganap ang insidente dakong alas- 2 ng madaling-araw sa may kanto ng Fugoso at Mayhalique St.

Nabatid na sumakay umano sa kanya ang limang suspect at nagpapahatid sa Sta. Cruz at nang makarating sila sa naturang lugar ay nagdeklara na ang mga ito ng holdap.

Nagmakaawa naman ang biktima na huwag siyang patayin at kunin na lamang ang lahat sa kanya na sinunod naman ng mga holdaper, kaya maging ang suot nitong sapatos at damit ay kinuha sa kanya.

Pinalabas ng mga suspect ang biktima at pinatakbo ito ng hubo’t hubad.

Hindi agad ito nakapag-report sa pulisya dahil nga sa wala siyang saplot sa katawan. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADAN

BARANGAY TALIPAPA

BUKOD

CRUZ

DANILO GARCIA

GEORGE VILLANUEVA

MAYHALIQUE ST.

QUEZON CITY

TOYOTA COROLLA

VILLA REAL SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with