^

Metro

Sekyu sa NAIA nagbalik ng pera

-
Pinatunayan ng isang guwardiya na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanyang katapatan sa pagtupad ng tungkulin nang ibalik nito ang napulot na envelope na naglalaman ng halagang 8,000 Singaporean dollars o P300,000.

Sa ulat na tinanggap ni NAIA general manager Edgardo Manda ang matapat na guwardiya ay nakilalang si Jerry Dalit, 36, tubong Pola, Oriental Mindoro at residente ng Marigold St., Rivera Village, Pasay City.

Matinding kasiyahan naman ang nadama ng may-ari ng salapi na nakilalang si Leonor Kloo, negosyante ng San Juanico St., Ayala, Alabang Village, Muntinlupa nang maibalik sa kanya ang nawawalang pera.

Batay sa imbestigasyon, dakong ala-1:35 ng hapon habang nasa kasagsagan ang buhos ng ulan nang matagpuan ni Dalit ang brown envelope na naglalaman ng salapi sa NAIA 1 departure parking area.

Ayon kay Dalit, hindi kaya ng konsensiya nito na angkinin ang salapi na hindi naman niya pinaghirapan at ayaw din niyang dungisan ang kanyang pangalan sa loob ng tatlong taon niyang pagsisilbi bilang security guard sa NAIA. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ALABANG VILLAGE

BUTCH QUEJADA

DALIT

EDGARDO MANDA

JERRY DALIT

LEONOR KLOO

MARIGOLD ST.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ORIENTAL MINDORO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with