^

Metro

6 tulak ng droga timbog

-
Anim na kilabot na mga drug pusher, kabilang ang dalawang babae na hinihinalang mga miyembro ng isang sindikato ng droga ang nadakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Alvin Alamada, 27; Redempta Alamada, 45; Dalia Alamada, 33, pawang mga residente ng Basilan St., Tandang Sora, QC.

Kasama nilang naaresto sina Jesus Francisco, 33; Ricardo Agustin 44; at Ricky delos Santos, 28, pawang residente ng San Bartolome, Novaliches City.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasakote ang mga suspect sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-6:30 ng gabi sa harap ng United Coconut Planters Bank sa may Mindanao Ave. ng naturang lungsod.

Nabatid na matagal nang nasa surveillance ng mga awtoridad ang naturang grupo dahil sa malawakang operasyon ng pagrarasyon ng mga ito ng droga sa lungsod.

Hinihinalang miyembro ang mga suspect ng isang malaking sindikato na isa sa mga pinakamalaking supplier ng droga sa Metro Manila.

Isa sa mga operatiba ang nakipag-ugnayan sa naturang grupo sa pagbili ng droga kung saan itinakda ang bentahan. Hindi na nakatakas ang anim na suspect nang masukol sila ng mga operatiba matapos na iabot ang droga sa isa sa mga ahente.

Nakumpiska sa mga suspect ang may 50 gramo ng hinihinalang shabu at ang kulay violet na Tamaraw FX (PBP-479) na gamit nila sa kanilang operasyon.

Kasalukuyang nakadetine ngayon ang mga suspect sa PDEA detention cell sa Camp Crame at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Anti-Drug Law. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALVIN ALAMADA

BASILAN ST.

CAMP CRAME

DALIA ALAMADA

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG LAW

JESUS FRANCISCO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with