^

Metro

Nag-agawan sa pasahero: Driver binoga ng driver

-
Bunga ng paggigitgitan at pag-uunahan sa pagkuha ng pasahero, binaril at napatay ng isang driver ang kapwa niya driver matapos ang isang mainitang pagtatalo, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Allan Cristobal, 33, jeepney driver, ng Reyes St., Sta. Cruz, Maynila. Si Cristobal ay hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa St. Jude Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanyang lalamunan.

Pinaghahanap naman ngayon ang hindi pa nakikilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni SPO2 Virgo Villareal, ng homicide section ng WPD, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa kahabaan ng Laon-Laan sa panulukan ng Forbes Sts. sa naturang lugar.

Nabatid na parehong binabagtas ng suspect at biktima na kapwa sakay sa kanilang minamanehong pampasaherong jeep na may biyaheng Blumentritt-Dimasalang nang magkarerahan ang mga ito dahil sa pag-uunahang makakuha ng pasahero.

Dahil dito, nagkaasaran ang dalawa at pagdating sa nabanggit na lugar ay kapwa bumaba ng kanilang mga sasakyan ang dalawa at saka nagpalitan ng maaanghang na salita. Ilang sandali pa ay inilabas ng suspect ang dala nitong baril at saka binaril ang biktima.

Matapos ang isinagawang pamamaril ay mabilis na itong tumakas lulan ng kanyang jeep. Patuloy ang isinasagawang pagtugis sa suspect. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ALLAN CRISTOBAL

BLUMENTRITT-DIMASALANG

BUNGA

CRUZ

FORBES STS

MAYNILA

REYES ST.

SI CRISTOBAL

ST. JUDE HOSPITAL

VIRGO VILLAREAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with