^

Metro

Karibal kinatay ni mister

-
Dahil sa matinding selos, pinatay sa saksak ng isang mister ang umano’y kanyang karibal sa pag-ibig at pagkatapos ay sinaksak din nito ang sariling misis matapos na mahuli ang dalawa na magkasama, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Euprisk de Jesus, alias Doods, binata, makaraang matadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ginagamot naman sa South Super Highway Medical Center si Yolanda Almedilla, 37, ng Barangay Marcelo Green, Parañaque City na tinarakan din ng malalim na saksak sa kaliwang balikat ng kanyang mister.

Kasalukuyan namang nakapiit ang suspect na si Porferio Almedilla, 41, ng nabanggit na lugar matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Alberto Parena, may hawak ng kaso na naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi kamakalawa sa bahay ng mga Almedilla.

Napag-alaman na matagal nang pinagseselosan ng suspect ang nasawing si de Jesus na inakala niyang ka-relasyon ng kanyang misis.

Kamakalawa ay nadatnan ng suspect sa kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang misis at agad itong nagduda na may ginagawang masama ang mga ito. Nagdilim umano ang paningin ng suspect kaya’t mabilis itong kumuha ng kutsilyo at sinugod ng saksak ang biktima na agad na binawian nang buhay, pagkatapos ay hindi rin nito napigilan ang sarili na saksakin din ang kanyang misis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALBERTO PARENA

ALMEDILLA

AYON

BARANGAY MARCELO GREEN

DAHIL

DOODS

LORDETH BONILLA

PORFERIO ALMEDILLA

SOUTH SUPER HIGHWAY MEDICAL CENTER

YOLANDA ALMEDILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with