^

Metro

Mister galit kay misis, anak pinatay

-
Nakuhang pagsasaksakin at ihagis mula sa 4th floor ng tinutuluyan nilang tenement building ng isang ama ang kanyang 3-anyos na anak na naging dahilan ng pagkamatay nito, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Manila.

Nagtamo ng maraming saksak sa dibdib at nagkabali-bali pa ang mga buto ng batang si Melody Perez, ng H. Sambahayan Rawis Tenement Building, Sta Fe. ng nabanggit na lugar makaraang pagbalingan ng galit ng kanyang ama na si Victor Perez, 33, vendor, ng nabanggit ding address.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Ernesto Jose Jr., dakong alas-12 ng hatinggabi ng puntahan ng suspect ang biktima sa bahay ng isang Mrs. Marcela Soner, 53, para kunin ang kanyang anak.

Napag-alaman na inihabilin ng ina ng bata kay Soner ang anak makaraang magtungo ito sa Saudi Arabia para magtrabaho.

Kagabi pilit umanong kinuha ng suspect ang kanyang anak kay Soner at saka ikinulong sa kanilang kuwarto.

Ilang sandali pa ay narinig ang malakas na pag-iyak at sigaw ng bata kaya nag-alala si Soner sanhi upang humingi ito ng tulong sa kapatid ng suspect na si Roger Perez.

Pinakiusapan umano ni Roger ang kapatid na ilabas na ang bata at isauli kay Mrs. Soner ngunit lalo lamang nagalit ang suspect.

Napilitan nang tumawag sa pulisya si Mrs. Soner, subalit ilang sandali pa ay bigla na lamang ihagis ng suspect mula sa 4th floor ng tinutuluyan nilang tenement building ang kanyang sariling anak na noon ay duguan na at tadtad ng saksak sabay ang sabing "Heto na saluhin ninyo".

Dahil sa lakas ng pagkahagis ay nagkabali-bali pa ang mga buto ng paslit na biktima.

Ayon sa pulisya, malaki umano ang sama ng loob ng suspect sa ina ng biktima kung kaya’t ang bata ang pinagbalingan nito.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktimang si Melody subalit hindi na ito umabot pang buhay.

Agad namang nadakip ang suspect at nakatakdang sampahan ng kasong parricide. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ERNESTO JOSE JR.

MELODY PEREZ

MRS. MARCELA SONER

MRS. SONER

ROGER PEREZ

SAMBAHAYAN RAWIS TENEMENT BUILDING

SAUDI ARABIA

SONER

STA FE

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with