6 na PBA cagers, pinagre-report sa BI
December 10, 2002 | 12:00am
Ipatatawag ng Bureau of Immigration ang anim na foreign professional cagers ng PBA para hingan ng paliwanag kung bakit hindi sila dapat maisailalaim sa sanctioned o deportation dahil sa pagtatrabaho sa bansa ng walang kaukulang working permits.
Ang mga player na nasa balag nang alanganin ay sina Matthew Mitchell Gaerlan; Christopher La Fontaine; Daniel Mosley; Nate Payne; William Wilson at Stephen Vincent Antonio.
Ayon kay Immigration Commissioner Andrea Domingo, napagpasyahan nitong magpalabas ng summon laban sa mga nabanggit na cagers makaraang mabatid na pawang walang working permits o nabigyan ng recognition ang mga ito bilang Phil. citizens ng bureau.
Dahil dito, agad na ipinag-utos ni Domingo na magpalabas ng agarang summons sa mga nabanggit na manlalaro at itakda ang pagdinig sa kanilang kaso.
Sa kabilang banda, may kabuuan pang 25 cagers na aktibong lumalaro sa PBA ang may balidong dokumento kung saan legal ang kanilang pagtatrabaho at pamamalagi sa bansa kahit na nga isa lamang sa kanila ang may balidong visa at ang natitirang 24 ay may pinanghahawakang recognition bilang mga Phil. citizen ng bureau.
Idinagdag pa ni Domimngo na nagkaroon lamang ng background check sa mga nabanggit na cagers makaraang hilingin ni Senate Committee on Games, Amusement at Sports Chairman Sen. Robert Barbers na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga reklamo ng mga local players laban sa mga dayuhang cagers. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended