^

Metro

Shootout: Carnapper todas sa TMG

-
Itinanghal na bangkay ang isang lalaki na umano ay miyembro ng isang kilabot na carnapping syndicate matapos na makipagbarilan sa isang kagawad ng Traffic Management Group (TMG) kahapon ng tanghali sa Ermita, Manila.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang suspek habang nasugatan naman sa naganap na barilan si Insp. Ernesto Eco Jr., 35, miyembro ng TMG at isang bystander na si Arthur Loui, 46, habang ito ay nakasakay sa kalesa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng WPD-Homicide Division,dakong alas-12 ng tanghali nang sundan ni Eco ang sinasakyang puting Mitsubishi Galant ng suspek sa kahabaan ng San Marcelino st., Ermita, Manila.

Subalit habang sumusunod si Eco ay napansin umano siya ng suspek na agad inihinto ang sasakyan at bumaba.

Hindi umano akalain ni Eco na sa pagbaba ng suspek ay bubunot ito ng baril at mabilis na siya ay pinaputukan at tinamaan sa labi.

Sa pagpapalitan ng putok ay natadtad ng bala ang suspek na ikinasawi nito habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Loui at kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Medical Center. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

ARTHUR LOUI

CRUZ

ERMITA

ERNESTO ECO JR.

HOMICIDE DIVISION

ITINANGHAL

LOUI

MANILA MEDICAL CENTER

MITSUBISHI GALANT

SAN MARCELINO

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with