^

Metro

Kelot na may 'sayad' tumalon sa overpass, buhay!

-
Isang lalaki na pinaniniwalaang may diperensiya sa pag-iisip ang himalang nabuhay nang tumalon sa isang overpass matapos nitong i-hostage ang sarili kahapon ng hapon sa Quezon City.

Nilalapatan ng lunas sa Quirino Labor Hospital sanhi ng tinamong pagkabali ng buto dulot ng pagbagsak ay nakilalang si Danilo Oliva alyas Gani ng 558 EDSA, Cubao, Q.C.

Sa report ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang makita ang biktima na nasa itaas ng overpass sa may P. Tuazon sa tapat ng Samson School sa Cubao.

May tangan na icepick at basag na bote ang biktima na itinutok sa kanyang leeg at nagtatangkang tumalon.

Mabilis na rumesponde ang pulisya subalit nabigo itong mapigilan dahil na rin sa hinihiling nitong makita si Senador Noli de Castro.

Kaya’t nag-isip ng paraan si Supt. Rosendo Franco, hepe ng Station 7 at dalawang pampasaherong bus ang pinagtabi nito sa gitna ng kalsada kaya’t nasalo ang biktima nang ito ay tumalon. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

CUBAO

DANILO OLIVA

DORIS FRANCHE

GANI

ISANG

QUEZON CITY

QUIRINO LABOR HOSPITAL

ROSENDO FRANCO

SAMSON SCHOOL

SENADOR NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with