^

Metro

2 patay sa inuman

-
Pinagsasaksak at napatay ng isang 34-anyos na lalaki ang kanyang biyenan at tiyuhin matapos ang isang pagtatalo sa gitna ng kanilang inuman, kamakalawa ng gabi sa Caloocan.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial sanhi ng mga saksak na tinamo sa katawan ng mga biktimang sina Zoilo Gabiola, 53, at Alberto Morales, 39, kapwa kalapit-bahay ng suspect.

Agad namang naaresto ang suspect na nakilalang si Everly Antonio, ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:55 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang suspect at mga biktima kasama pa ang ilang kaibigan ay masayang nag-iinuman sa naturang lugar.

Bigla umanong nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tatlo na naging dahilan upang agad na maglabas ng balisong ang suspect at pinagsasaksak na si Gabiola.

Nang awatin ni Morales ang pamangkin ay siya naman ang pinagbuntunan at sinaksak ng suspect.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang mga biktima, habang nadakip naman ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALBERTO MORALES

BIGLA

CALOOCAN

EVERLY ANTONIO

GABIOLA

JOSE REYES MEMORIAL

MABILIS

NAMATAY

ROSE TAMAYO

ZOILO GABIOLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with