^

Metro

Mga misis ng mga sinibak na pulis-Pasay magra-rally

-
Magsasagawa umano ng protesta ang mga asawa ng mga pulis-Pasay upang mariing tutulan ang pagsibak at nakatakdang retraining sa mga ito sa darating na Hunyo 17 kaugnay sa naging palpak na pagresponde sa isang hostage drama na ikinasawi ng apat na taong gulang na si Dexter Balala noong Mayo 31 ng madaling araw sa isang bus terminal.

Nabatid sa isang mapapagkatiwalaang impormante na tumangging magpabanggit ng pangalan, magtutungo umano ang mga asawa ng mga pulis-Pasay sa headquarters upang iprotesta ng mga ito ang naging kautusan ni PNP Chief Director, General Leandro Mendoza.

Nakatakdang mag-retraining ang may 341 pulis-Pasay matapos na pumalpak ang 21 dito sa pagresponde ng hostage drama sa Philtranco Bus Terminal, na ikinasawi ni Dexter at ng hostage taker nito na si Diomedes Talvo.

Mariin itong kinundina ng mga misis ng naturang mga pulis dahil hindi umano makatarungan ang naging hakbangin ng pamunuan ng PNP dahil nadadamay ang ilang wala namang kasalanan sa kapalpakan ng kanilang mga kasamahan.

Nabatid na makikipag-usap umano ang mga ito sa mga opisyal, upang hilingin na huwag ituloy ang hakbangin ng PNP.

Sa darating na Hunyo 17 ay uumpisahan na ang isang buwang retraining ng may 341 pulis-Pasay sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Tiniyak naman ni Southern Police District Office (SPDO) Director, Chief Supt. Jose Gutierrez, na pagkatapos ng retraining ng mga ito, ibabalik naman sila sa kani-kanilang destinasyon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

CAMP BAGONG DIWA

CHIEF DIRECTOR

CHIEF SUPT

DEXTER BALALA

DIOMEDES TALVO

GENERAL LEANDRO MENDOZA

HUNYO

JOSE GUTIERREZ

PASAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with